Una sa Balita

Mayor Baldo inalisan ng police power

0 762

INALISAN ng police power ng National Police Commission (Napolcom) si Daraga Mayor Carlwyn Baldo matapos itong ituro bilang mastermind sa pagpatay kina Ako Bicol party-list Representative Rodel Batocabe at police aide nitong si SPO2 Orlando Diaz.

Base sa resolusyon ng Napolcom en banc na pinangunahan ni Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año na siya ring chairman ng Napolcom, inaprubahan nito ang Resolution No. 2019-014 na may petsang Enero 7, 2019 hinggil sa withdrawal of deputation ni Mayor Baldo matapos siyang madiin bilang mastermind sa pagpatay kay Batocabe at Diaz at pagkasugat ng pitong iba pa na naganap noong Disyembre 22 ng hapon sa Daraga covered court sa Barangay Burgos.

“Yes, his deputation authority has been removed since yesterday,” pahayag ni Año, na kinumpirma din ni Napolcom vice chairman Rogelio Casurao.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy