Una sa Balita

Mayor Abby, Team Performance inendorso ng Iglesia

0 312

NAGPASALAMAT si Makati City Mayor Abby Binay sa pag-endorso ng Iglesia Ni Cristo (INC) sa kanyang mu­ling pagtakbo bilang alkalde ganundin sa mga kasama niya sa ilalim ng Team Performance.

Bukod kay Mayor Abby, inendorso rin ng INC si re-electionist Vice Mayor Monique Lagdameo, Congressman Luis Campos at ang kanyang ama na si dating Vice President Jejomar Binay na kandidato sa pagka-congressman ng Unang Distrito ng Makati gayundin sa anim nilang kandidato sa pagka-konsehal.

“Maraming-mara­ming salamat po sa Iglesia ni Cristo sa pamumuno ni Kapatid na Eduardo Manalo sa inyong patuloy na suporta at pakikipagtulungan sa amin upang maisakatuparan ang magagandang plano para sa Makati at sa lahat ng mamamayan dito,” ayon kay Mayor Abby.

“Ikinagagalak po namin sa Team Performance na kaisa namin kayo sa mithiing maitaguyod ang masagana, maginhawa at mapayapang pamumuhay para sa lahat ng Makatizen. Makakaasa kayong lalo pa naming pagtitibayin ang matagal nang samahan ng INC at ng pamahalaang lungsod ng Makati,” sabi pa ni Mayor Abby.

Nagpasalamat din first district congressional candidate Jejomar Binay sa pag-endorso ng INC sa kanyang kandidatura.

“Nagpapasalamat ako sa pamunuan ng INC sa muling pagsuporta sa aking kandidatura. Makakaasa kayo at ang lahat ng mga kaanib ng Iglesia dito sa Makati na isusulong ko ang kapa­kanan at karapatan ng lahat ng mamamayan sa Kongreso, at pauunlarin pa ang mga programa sa edukasyon, kalusugan at kabuhayan,” Binay said.

Kabilang naman sa mga kandidato sa pagka-konsehal na inen­dorso ng INC para sa District 1 ay sina Martin Arenas, VirJhong Hila­rio, Jojo Javier, Armand Padilla, Joey Villena at Alcine Ichi Yabut.

Sa District 2 inendorso ng INC sina Dennis Almario, Doris Arayon, Bong Ariones, Bodik Baniqued, Sammy Cruz, at Ina Sarosa.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy