Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Mayon volcano 5 beses nag-alboroto

0 161

Limang lindol ang naitala sa Bulkang Mayon sa nakalipas na 24 oras mula Linggo, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Sa 8am bulletin kahapon ng Phivolcs, bumuga rin ang bulkan ng katamtamang dami ng puting steam-laden plumes.

SM food to go Banner Ad

Nasukat ang binugang sulfur dioxide ng bulkan sa average na 676 tonelada kada araw noong Disyembre 29, 2020.

Nananatili naman ang Alert Level 1 sa Mayon na nangangahulugang nasa `abnormal condition’ ito ngunit walang napipintong magmatic eruption na mangyayari.

Gayunman, pinagbabawala ng Phivolcs ang pagpasok sa 6-kilometer radius na permanent danger zone (PDZ) sa naturang bulkan dahil maaari anilang maganap ang rockfalls at landslides o avalanches.

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.