Una sa Balita

Mayon nanatiling mapanganib

By
0 1,472
Patuloy na nagpapa­kita ng abnomalidad ang Bulkang Mayon matapos na makapagtala ito ng 152 beses na paglabas ng lava at 83 volcanic earthquake sa loob ng dalawang araw.
 
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), ito ay patunay lamang na nanatiling mapanganib ang bulkan sa kabila ng pananahimik nito noong nakalipas na mga araw.
 
Maliban sa lava fountaining ay tuloy-tuloy din ang degassing sa bunganga ng bulkan at batay sa talaan ng PHIVOLCS ang sulfur dioxide gas emission ay nananatiling mataas na umaabot sa 1,885 tones average kada araw.
 
Tumatagal ang lava fountaining ng 41 minuto at kasabay nito ang malakas na dagundong na dinig hanggang 10 kilometro mula sa summit crater.
 
Sinabi ni Phivolcs Research Analyst Paul Alanis na ang pananahimik ng bulkan ay dahil nag-iipon lamang ito ng lakas at asahan pa rin ang posibilidad ng pagkakaroon ng hazardous eruption.