Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Maynilad pahirap pa more sa mga kustomer

0 67

Hindi pa tapos ang kalbaryo ng mga customer ng Maynilad ni Manny V. Pangilinan lalo na ang mga biktima ng bagyo.

Ito ay kasunod ng anunsyo ng Maynilad nitong Sabado na tatagal pa hanggang Nobyembre 24 ang pagdurusa ng kanilang mga customer.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Ayon sa Maynilad ang mga customer nila na nasa mataas na bahagi ng kanilang concession area ay makakaranas ng mahinang pressure at maaring pagkawala ng suplay ng tubig hanggang Nobyembre 24.

Nakaraang Martes ay kinumpirma ng Maynilad ang water interruption dahil ang putik sa kanilang treatment basin ay mataas pa o nasa apat na metro o katumbas ng 20,000 drum ng putik bunsod ng bagyong Ulysses.

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.