Una sa Balita

Maynilad-MVP, MWC pipigain sa water crisis

By
0 464

GIGIL na si Bayan Muna Rep. Carlos Isagani Zarate sa dispalinghadong serbisyo ng Maynilad ng binatang negosyanteng si Manny V. Pangilinan at Manila Water Company Inc. (MWC), kasunod ng pang-limang araw nang water interruption sa east zone ng ­National Capital Region (NCR) gayundin sa ilang parte ng Rizal at Cavite.

“There seems to be something fishy going on in Manila Water and we should find this out. Bayan Muna will file a resolution today to probe this supposed service interruption,” ayon kay Zarate.

Kahapon ay pinangunahan ni Rep. Zarate kasama si Makabayan senatorial candidate Neri Colmenares ang kilos-protesta sa MWC sa Balara, Quezon City.

“We have been receiving reports that these water interruptions are induced as a prelude to further jacking up water rates or as a justification to push for the construction of destructive dams that will displace ­indigenous peoples,” ayon kay Zarate.

May mga natatanggap din ­umano silang ulat na ilang mga water tanker na nagsu-supply ng tubig ang naniningil ng P7,000 para sa isang tangke gayung dapat ay libre ito.

“Ito talaga ang hirap nu’ng prinivatize ng gobyerno ang serbisyo ng tubig, puro kita ang iniisip ng Manila Water at Maynilad, hindi ang serbisyo para sa mamamayan. Dapat talaga ay muling isabansa ang serbisyo sa tubig at ikoordina sa ibang ahensya para ‘di na uli ito mangyari,” giit ni Zarate.

Ayon naman kay Colmenares, pinapasubalian ng Metropolitan Waterworks and Sewarage System (MWSS) at ng National Water ­Resources Board (NWRB) ang sinasabi ng Manila Water na may problema sa supply ng tubig.

“So ano talaga ang dahilan ng water interruption? Dapat kalampagin ang Manila Water para ayu­sin nila ang problema sa kanilang serbisyo. Biro ninyo, kakataas lang nila ng singil sa tubig noong Oktubre tapos ganito ang serbisyo nila. Dapat magpaliwanag at maging tapat ang Manila Water sa tunay na rason bakit walang tubig ang kanilang mga customer. Huwag nilang sisihin ang El Niño kung sila naman ang may kasalanan,” pagdidiin ng Makabayan senatorial bet.

Iminungkahi pa nito na dapat bawasan ng MWC at Maynilad ang supply ng tubig para sa mga mall, golf course, resort at mga hotel at bigyang-prayoridad ang mga residential area, mahihirap na komunidad, ospital at eskuwelahan.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy