Una sa Balita

Maynilad-mvp, MWC kinuyog

Kulelat sa serbisyo, alerto sa taas singil!

By
0 355

MAINIT na nga ang panahon, pinapainit pa ng Maynilad Water Services Inc. ng negosyanteng si Manny V. Pangilinan ang mga ulo ng mga customer nito sa maya’t mayang water service interruption na nagsimula pagpasok ng Marso sa ilang lugar sa Cavite at sa Las Piñas, Parañaque at Muntinlupa.

Kahapon (Marso 10), maraming nawalan ng tubig ng alas-­nuwebe ng umaga pa lang at sinabi ng Maynilad na 4:00 am ng ­Marso 11 ito babalik.

Maaga pa lang, naasar na ang netizen na si Joddeson Ancheta.

Tweet niya, “wala na tubig ngayon! Yung totoo po @maynilad di po ba sasakto sa oras yung interruption niyo? Ilang taon na kami nag-aadjust sa inyo e.”

Nanggagalaiti rin ang Manila Water Company (MWC) customer mula sa Mandaluyong na si Polo Rpcd dahil sa inabot na perwisyo.

“Kame po sa Baranggay Barangka Drive ng Mandaluyong ay tatlong araw ng walang tubig at namamaho. Maawa naman kayo sa amin. Ang hirap ng wala man lang pangluto at panghugas ng plato!” hirit ni Polo Rpcd.

Tweet naman ni @SunkissedGemini kahapon, “Friday pa lang wala na kami tubig. Hindi nga kami included sa listahan e. Sabi niyo less than 24 hrs lang. Tapos ngayon sasabihin niyo until further notice???”

Kahapon, may mga lugar na sa Quezon City, Ortigas at Pasig na wala na ring tubig.
Inanunsiyo ng Maynilad noong Marso 5 na pansamantala nitong isasara ang Putatan Water Treatment Plant mula Marso 10 ng 9:00 am hanggang Marso 11 ng 4:00 AM at apektado ang Las Piñas, Muntinlupa, Parañaque at Bacoor.

Binakbakan din ng mga apektadong customer ng MWC ang perwisyong hatid ng water interruption sa Eastern area.
Paliwanag ng MWC, ang mababang lebel ng tubig sa La Mesa Dam ang rason ng kakula­ngan ng suplay.

Banat ng ilang ­apektadong customer, nag-abiso man lang sana nang maaga ang kompanya para nakapaghanda sila.
“Sana binigyan nyo ang mga residente ng tamang oras para maka ipon man lang..wala kayong ginawa o tulong manlang para maibsan ang hirap na dinadanas ng mga residente ng Mandaluyong.”
Sabi naman ni Jojo Reyes (@reyes_jojo), “Bakit hinintay pa ninyóng umabot sa halos critical level bago kayó nag adjust ng tubig edi ngayon halos lahat walang tubig!” ­

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy