Una sa Balita

Maynilad-MVP, atat sa taas singil sa tubig

MAYNILAD-MVP, ATAT SA TAAS SINGIL SA TUBIG

By
0 2,452

SA kabila ng malaking kita ng Maynilad Water Services Inc. ngayong taon, patuloy na iginigiit ng kompanya sa gobyerno ang pagtaas ng singil sa tubig.

Ayon sa palabas ng Maynilad, nahihirapan silang pondohan ang mga proyekto, partikular na sa sewerage at mga water treatment facility dahil hindi ito pinapayagan ng pamahalaan na magtaas ng singil.

Sabi naman ng DMCI, umakyat ng 11.5% ang kita ng Maynilad nu’ng first quarter ngayong taon sa P1.3 bilyon kumpara sa P1.2 bilyong net income nu’ng first quarter ng 2017.

Magkasosyo sa Maynilad ang DMCI Holdings ng mga Consunji at ang Metro Pacific Corp. na pina­ngungunahan ni Manny Pangilinan.

“The ongoing refusal of MWSS and RoP (Republic of the Philippines) to address either the tariff matter or the revenue claim is hampering financing of the required capital expenditures,” sabi ng DMCI Holdings.

Kinatigan na ng arbitration court ang hiling ng Maynilad na mabawi ang corporate income tax expense nito sa taripa noong 2015 pero hindi ito inaksiyunan ng MWSS. Dahil dito, dinala ng Maynilad ang pamahalaan sa arbitration court sa Singapore kung saan muli itong kinatigan ng tatlong miyembro ng arbitration panel. Dahil dito, inangat ng pamahalaan sa korte ng Singapore ang isyu.

Umaabot sa halagang P3.4 bilyon ang sinisingil ng Maynilad sa gobyerno dahil sa umano’y pagkalugi nila noong 2015 hanggang 2016 dahil sa hindi pagpayag ng MWSS na itaas ang singil sa tubig.