Una sa Balita

Maynilad, Manila Water humirit ng 33% singil sa taripa

By
0 6,293

NAIS ng Maynilad at Manila Water na itaas ang sinisingil nilang taripa sa 33%. Sagot ni Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) Chief Regulator Patrick Lester Ty, “They are asking for the moon.”

Sabi ni Ty, ang 33% na pagtaas sa taripa ay kung across the board susuriin dahil magkakaiba ang rate na
binabayaran, depende sa uri ng kostumer.

May tinatawag anya na nasa lifeline na mas mababa ang taripa at mas mataas naman ang singil sa mga mas malalakas kumonsumo ng tubig.

Nagsumite na ang Maynilad at Manila Water ng kanilang plano sa susunod na limang taon, kasama na rin ang taripa na gusto nilang singilin.

Dapat sana ay noong Enero pa naging epek­tibo ang bagong taripa pero pinag-aaralan pang mabuti ng MWSS ito.

Sabi ni Ty, inaasahan nilang madesisyunan ito sa Hulyo at malamang na sa Agosto pa magiging epektibo.

Sabi ni Maynilad chief operating officer Randolph Estrellado, mas mataas ang gusto nilang singilin ngayon dahil hindi sila pinayagang magtaas ng singil ng naunang administrasyon.

Kung pinayagan umano sila, hindi masyadong nakakabigla ang itataas ng singil.