Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Maynila nanguna sa bakuna kontra tigdas

0 352

Inihayag ni Mayor Isko Moreno na 94% nang kumpleto ang isinasagawang vaccination program kontra tigdas dahilan para manguna ang Maynila sa buong National Capital Region (NCR) pagdating sa pagbabakuna.

Nagpasalamat rin si Moreno sa Department of Health (DOH) dahil sa pagkilala sa mga ginagawa ng pamahalaang lokal ng Maynila pagdating sa kampanya kontra tigdas sa pamamagitan ng matagumpay na programa nito.

Sinabi ni Moreno na sa loob lamang ng wala pang 10 araw, ang pamahalaan ay nakapagbakuna na ng mahigit sa 127,000 bata na hindi inaasahan ng alkalde na magagawa. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.