Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Maynila hiniling na ideklarang ‘failure of election’

0 94

Naging maingay ang ‘pasasalamat motorcade’ ng Team Pagbabago na sinamahan ng halos isang libong tagasuporta.

Matapos ang motorcade nitong Sabado ay nakaaantig ang mga naging pahayag ng maraming Manilenyo.

Sa puso nila, si Atty. Alex ang kanilang mayor.

Marami sa mga botante sa Maynila ang nagpahayag ng pagkadismaya sa naging resulta ng halalan at naniniwala silang si Lopez ang talagang nanalong alkalde ng Maynila.

Unti-unting dumadami ang nananawagan mula sa iba’t-ibang sektor na ipaglaban ang pagkapanalo ni Atty. Alex.

Naniniwala ang mga ito na dinaya sila dahil marami umanong nilabag na batas ang kabilang kampo noong nakaraang halalaan.

Ayon sa isang eksperto, “statistically improbable” daw ang resulta ng halalan sa Maynila.

Marami rin barangay ang nagtataka kung paano nangyari ang bilangan, kung saan umasa sila na mananalo si Lopez dahil halos silang lahat bumoto pero lima (5) lang daw ang lumabas sa election returns.

Bago ang halalan ay kaliwa’t kanan ang mga isyung hinaharap nila Lacuna at Moreno kabilang ang illegal na pagbenta ng Divisoria public market, overpricing sa mga food packs, pagkakaantala ng seniors amelioration at iba pa.

Sinabi pa ng mga saksi, hindi nila kayang manahimik na lang at hayaang manaig ang kasakiman ng mga kasalukuyang administrasyon ng lungsod ng Maynila.

Naging maugong na ngayon ang panawagan ng mga Manilenyo na magkaroon ng panibagong halalan upang ipakita sa buong Pilipinas kung sino talaga ang tunay na nanalong Alkalde ng Maynila, at walang iba kung hindi si Lopez.

Naniniwala ang mga Manilenyo na may naganap na ‘failure of election’ sa Maynila, dahil sa malawakang dayaan.

Nitong Martes ay nanawagan ang lahat ng partido kay Lopez na maghain ng reklamo sa COMELEC dahil sa malawakang dayaang naganap noong nakaraang lokal na eleksyon.

(Mina Navarro)

Leave A Reply

Your email address will not be published.