Una sa Balita

Maymay walang ‘K’ maging Catriona

By
0 553

Fashion model na, Miss Universe pa! Winner na nga ­talaga ang batang aktres na si Maymay Entrata!
Mukhang siya na nga ang tunay na nagwagi dahil siya ang napili ni Catriona Gray na gumanap bilang Catriona sa MMK (“Maalaala Mo Kaya”). Ma­ingay na pinag-uusapan ­ngayon sa social media ang balitang confirmed nga raw na si Maymay ang gaganap bilang Catriona!

Full support ang mga fan ni Maymay at sila na rin ang nagtatanggol sa mga basher na hindi sang-ayon sa pagganap ni Maymay na maging Catriona!

Sabi kasi nila, ang layo ng itsura ni Maymay kay Catriona. At kahit sa katawan, magkaibang-magkaiba sila.

At kesyo hindi raw magaling mag-English si Maymay na tulad ni Catriona, at kung ano-ano pang negatibo ang binabato sa batang aktres. How­ever, mukhang hindi naman ito nakaaapekto dahil marami pa rin ang naniniwala at sumusuporta kay Maymay.

Para sa mga fan, may angking ganda at tindig din si Maymay, so wala naman talagang makitang dahilan kung bakit hindi siya pipiliin ni Catriona.

Inaabangan naman ng mga fan ang ­eksena kung saan gagawin ni Maymay ang slow mo twirl ni Catriona na ginawa niya sa Miss ­Universe 2018.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy