Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Maymay wagi sa pangongoopya kay Britney Spears

0 114

Dream come true kay Maymay Entrata na naka-collab niya si Kim Chiu sa isang bonggang dance production number sa ASAP Natin To. Ang bongga nga ng dance number niya, dahil nag-feeling Britney Spears nga si Maymay, ha!

“Thank you ASAP official sa pagtupad sa aking pangarap na makasama si Ate Kim sa isang bonggang production number!” sabi pa ni Maymay.

Puring-puri naman ng mga fan si Maymay, dahil napakahusay nga nitong sumayaw, at talagang lumevel siya sa galing ni Kim. At kahit si Kim, bilib na bilib kay Maymay na puwede ngang tawaring prinsesa ng dance floor.

Hiling ng mga fan, mas marami pa sanang collab na gawin sina Maymay at Kim. Mas marami pa sana silang maisip na gayahin na mga international performers. (dondon sermino)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.