Una sa Balita

Maymay, TNT Boys, Vice Ganda sama-sama sa pa-concert kay Queen Cat

By
0 799

May bonggang pagsalubong na gagawin nga ang mga fan kay Miss Universe 2018 Cat­riona Gray. At mapapanood sa KBO ang kanyang one-night-only homecoming concert sa Araneta Coliseum ngayong Linggo, 7 PM (February 24).

Iwagayway ang mga bandera at panoorin ang kanyang pamosong Lava Walk sa inyong mga kabahayan.

Magsasama-sama sa naturang concert sina Maymay Entrata, ang TNT Boys na sina Kei­fer Sanchez, Mackie Empuerto at, Francis Concepcion, kasama sina Morisette Amon, Jed Madela, Bamboo, at KZ Tandingan.

Ang naturang homecoming ay pangungunahan ni Boy Abunda. Bukod sa concert, isa ring one-on-one interview kasama si Vice Ganda ang mapapanood ng KBO viewers.

Samantala, mapapanood din ngayong long weekend ang TV premiere ng movie nina Aga Muhlach at Bea Alonzo na “First Love,” kasama ang digitally restored at remastered film na “Forevermore,” “You’re My Boss,” Kusina Kings,” at “That Thing Called Tadhana.”

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy