Una sa Balita

Maymay ‘the man’ sa relasyon kay Edward

By
0 5,692

Puring-puri nina Maymay Entrata at Edward Barber ang ipinakitang malasakit sa kanila nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo noong ginagawa nila ang La Luna Sangre.

Makikita nga sa Instagram ni Maymay ang pasasalamat niya sa KathNiel.

“Gusto ko lang talagang buong pusong magpasalamat kay Kuya Tristan at Ate Malia. Baguhan lang kasi kami sa serye. Kala namin ma-OP kami pero sila pa ang nagtutulak sa aming sumali. Tapos minsan si Ate Kath, ‘yung buhok mo, Maymay.’ Dati naman sa mall show ko lang sila nakikita sa Cagayan De Oro. Nag-antay ako ng anim na oras makita lang sila,” kuwento ni Maymay.

Pag-amin ni Edward, marami raw siyang natutuhan sa KathNiel. Hindi raw sila pinabayaan ng dalawa sa mga eksena nila.

“May isang scene ako kasama si Kuya Daniel lang. Konti lang linya ko doon, pero nagkaroon ako ng memory block kaya nakailang takes ako. Sinabi tuloy ni Kuya Daniel na itigil muna. Dinala niya ako sa tabi tapos sabi niya ‘Relaks ka lang, isipin mo lang mabuti’. Pagkatapos noon, one take lang nagawa na namin,” chika pa ni Edward.

Anyway, super trending nga ang guesting nina Maymay at Edward sa #MaTEENdingSummer episode ng Magandang Buhay, dahil nakita ng mga fan kung paano sumabak sa isang bonggang challenge ang dalawa. Lalo na sa part ni Edward na may acrophobia, pero ginawa pa rin niya ang challenge na rappelling. Hinarap nga ni Edward ang biggest fear niya sa tulong ni Maymay. Naiyak nga si Edward sa challenge na ‘yon.

Obserbasyon ng marami, parang si Maymay nga ang tumatayong ‘lalake’ sa relasyon nila ni Edward. Si Edward kasi ang laging mas kalmado, mas disiplinado, na hindi tulad ni Maymay na magaslaw, maingay at palaban sa lahat ng challenge.

Pero, nakita rin ng mga fan na kapag nagsalita na si Edward, tumutupi si Maymay. Sumusunod sa kung ano ang gusto ni Edward, ha! Meaning, girl na girl, o pa-girl pa rin talaga si Maymay kapag si Edward na ang nagsalita.

“I feel safe,” sabi nga ni Maymay kapag humaharap siya sa challenge, at si Edward ang katabi niya.

Magkaiba ang personalidad ng dalawa, at ‘yun daw ang mas bongga, kaya bagay na bagay sila.

Sabi nga ni @Ney sa Twitter ‘After watching MayWard’s rappelling on #MaTEENdingSummer, I realized it’s actually Maymay who’s the ‘man’ in their relationship. Haha! Kidding aside, theirs is an ideal relationship. Maymay’s feistiness and adventu­rous side complements Edward’s gentle and nurturing nature.”

“True. One’s strength is the other one’s weakness and vice-versa. Individually they are good but together they’re great because they complement each other; like pieces of a puzzle that perfectly fit together to make one whole entity,” say naman ni @Cebu_ana.

Kahapon ay super trending din ang #MayWardSumMORE.