Una sa Balita

Maymay super iyak dahil sa KathNiel

By
0 339

Kahit sikat na rin si Maymay Entrata, hindi pa rin nawawala sa kanya ang pagiging fan nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.

Halatang-halata sa mensahe ni Maymay na solid talaga ang pagmamahal niya kina Kathryn at Daniel. Nag-post ang aktres sa Instagram niya ng photo na kung saan yakap-yakap niya ang KathNiel, at kuwento ni Maymay na literal daw siyang umiiyak habang tina-type ang caption sa picture niya kasama ang KathNiel.

Naaalala pa raw ni Maymay kung gaano ka-worth it ‘yung payong na idinutdot daw ng isang babae sa ulo niya dati dahil nakasingit siya para lamang makita ang KathNiel kahit 10 meters away pa iyon.

Tandang-tanda raw ni Maymay kung gaano siya ka-‘buang’ noon at ang paghanga niya sa KathNiel na hanggang ngayon ay hindi pa rin nawawala.

Nagpasalamat si Maymay na nabigyan siya ng pagkakataon na makilala ang dalawa, hindi lang bilang artista kundi bilang kaibigan.

Mas humanga rin ang mga fan kay Maymay dahil sobrang down-to-earth daw nito, na hindi kinahihiya ang pinagmulan.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy