Una sa Balita

Maymay sumakit ang puso sa nagahasang fan

0 714

tonite-oh-laban-ka-rey-pumaloyNagulantang si Maymay Entrata sa balitang natanggap niya tungkol sa isang fan na dumalaw sa kanilang shooting ni Edward Barbers at pagkatapos ay nakaengkuwentro nang malagim na pangyayari sa buhay niya.

Base sa tweet ni Maymay nung Sabado (Sept. 22), isang fan niya ang nagpunta sa kanyang shooting at pag-uwi nito ay ginahasa ng isang lalake.

Ang tweet ni Maymay ay base sa tweet ni @jolankookie07 na nagsabing na-rape ang fan ng MayWard.

@maymayentrata07: “Pumunta daw sila sa shooting tapos pag-uwi ayun na ni-rape na sya. Gusto ko sya makita sumakit puso ko talaga.”

Ang tinutukoy ni Maymay na pangyayari ay base sa episode ng ‘Ipaglaban Mo’ na ipinalabas nu’ng Sabado na pinagbidahan ni Ryza Cenon. Isang may kapansa­nan sa utak ang ginampanan ni Ryza na mahilig sa ice cream, at ito rin ang na­ging dahilan kung bakit nagahasa ang karakter niya.

Nabanggit ang pangalan nina Maymay at Edward sa nasabing episode bilang fan nga ng biktima. Nakaramdam ng malasakit si Maymay sa biktima dahil sa nangyari rito at sa kalagayan ng kanyang pag-iisip.

Ininda ni Maymay ang kuwento ng kanyang fan kaya naman idinaan muli nito sa tweet nong Sabado ang kanyang hinagpis.

“Napanuod lang ako sa tv nang biglang…ahuhuhu,” sabi ni Maymay.

Kinu-console si Maymay ng kanyang mga follower sa twitter upang maibsan ang kanyang kalungkutan.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy