Una sa Balita

Maymay pinagkukunan ng lakas ni Edward

By
0 2,754

Nagsisilbing ‘powerbank’ daw para kay Edward Barber ang ka-loveteam na si Maymay Entrata. Kapag low batt daw siya, si Maymay raw ang parang source niya ng energy.

Hindi raw kasi nalo-low batt si Maymay. Sey pa niya, kung sakaling ma-low batt ang ka-loveteam, “Naku, patay tayo diyan!”

Aminado si Edward na may pagka-protective siya kay Maymay kaya raw siguro puwedeng ma-misinterpret ng iba na nagseselos siya kapag may nagiging bagong ka-close si Maymay, ipinaliwanag naman niyang bilang silang dalawa raw kasi, kilala nila ang isa’t isa at gusto lang din niyang maging careful ito palagi.

Aniya, “We cannot generalize but we’ll never know who’s who.”

At kahit isa sa may napakaraming fans ang MayWard, wala raw nararamdamang pressure si Edward na dapat ay magligawan o maging sila na dahil hindi raw sila pine-pressure ng mga fan nila sa bagay na ito.

Kasama ang MayWard sa bagong movie ng Star Cinema, ang DOTGA: Da One That Ghost Away na horror/comedy at bukas, April 18 na ang showing sa mga sinehan.

Female star na bida sa teleserye suma-sideline as escort girl

‘Yun na, pinaghihinalaan na pala ng mga kapwa niya artista ang female star na ito ng isang network. Though bida naman sa mga teleserye niya si female star, pero may ideya ang ibang artista sa halaga lang ng kontrata niya sa network.

Hindi rin naman mabenta sa mga endorsement si female star. Pero, malulula ka nga naman sa mga properties na naa-acquire niya at higit sa lahat, sa mga luho nito.

Ang kutob ng iba, mukhang suma-sideline si female star na maging escort girl. Kaya rin naman panay ang alis nito ng bansa kahit minsan may on-going show ha… at pag-alis talagang branded kung branded ang bags, shoes na binibili then, post sa kanyang social media account.

Knows ng ibang stars ang pagiging escort girl dahil ilan na rin sa kanila ang inalok ng ganito pero karamihan ay tumanggi.