Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Maymay pinagdarasal ni Edward

0 103

How time flies, ha! Lumilipas na lang ang araw na hindi natin namamalayan, lalo na para sa mga taong nakakulong lang sa kanilang mga bahay.

Anyway, dumagsa nga ang mga pagbati sa Instagram ni Maymay Entrata, dahil birthday niya (May 6, 1997 siya pinanganak), at 24 years old na nga siya.

Siyempre, kanya-kanyang paandar ang mga fan kay Maymay sa pagbati niya. At kahit ang mga kapwa niya artista, lalo na `yung mga nakatrabaho niya, pinaulanan siya ng papuri sa kaarawan niya.

Siyempre, walang bonggang selebrasyon ngayon (kahit noong 2020) dahil sa pandemya. Pero, sapat na nga ang mga pagbati sa kanya para maaliw si Maymay.

Ang birthday mensahe ni Edward Barber ang inabaangan ng mga fan nila (MayWard). Bet nga nilang maramdaman ang kiligin muli kahit madalang nan gang nagsasama ang kanilang mga idolo.

“Happy Birthday Marydale! Praying that God pours out more of His blessings on you today and everyday! Keep on being a blessing to others!” sabi ni Edward.

Well… (Dondon Sermino)

Leave A Reply

Your email address will not be published.