Maymay ‘pinaganda’ ni Gelli

By

Iba rin talaga ang bonding moment sa set ng teleseryeng La Luna Sangre.

Kung hindi ba naman, eh, mapapayag si Gelli de Belen na maging make-up artist sa gitna ng kaabalahan nito sa pagbabasa ng kanyang script?

Pero, dahil labadabs nga nila ang isa’t isa, hayun, dahil lost in space ang kanilang make-up artist at kailangan na talagang malagyan ng make-up si Maymay Entrata, eh, ‘di siya na nga ang gumawa, huh!

Kebs niya kung mas senior siya kay Maymay at kebs niya na kahit pagud-paguran na rin, eh, kun­todo pinta siya sa mukha ng grand winner ng PBB Lucky Seven.

Sobrang pa-thank you ni Maymay, kaya pinost niya ang make-up session nila ng mi­sis ni Ariel Rivera.

Naka-fast forward ang session na ito kaya comedy pa rin ang dating habang pinapanood ito.

In fairness, ha? Puwede na itong maging second job ni Gelay sa taping. Charos!
Lalo kasing gumanda si Maymay. Hahaha!

Alden pinayuhan si Ruru na maging magalang

Saludo si Ruru Madrid sa kabaitan ni Alden Richards dahil sa ilang beses na rin daw siya nitong sinuportahan bilang isang kaibigan lalong-lalo na kung paano makitungo sa press people.

Si Alden daw ang la­ging naga-advice sa kanya kung paano ma­ging magalang at mabait sa mga manunulat dahil ka-partner nila ito sa kanilang showbiz career.


Kahit nga raw sa kanya napunta hang show na dapat daw ay para kay Alden, ay wala raw nagbago sa pakikitungo nito sa kanya at lagi nga raw siyang kinukumusta tungkol dito.

Ang sinasabi niya ay ang kauna-unahang first-starring role niya sa GMA 7 kung saan ay isang aso ang kanyang ka-tandem dito.

Minsan raw ay tinutukso siya ni Alden tungkol sa project pero hanggang dun lang ito na wala namang pahiwatig nang kung ano pa man.

Baka nga raw kasi, isipin ng ibang tao ay sinulot niya ang proyektong ito, ha!

Para kay Ruru, lucky year niya ang 2017. Bukod kasi sa pagbibida niyang ‘yun, kasali rin siya sa pang-MMFF 2017 entry na Meant To Beh nina BossingVic Sotto at Dawn Zulueta.

 

SHARE