Una sa Balita

Maymay natulog sa dibdib ni Edward, magdyowa na talaga

By
0 2,719

Bagama’t tinatamasa na ang buhay artista at busy na sa kanyang kaliwa’t kanang commitment, hindi pa rin huminto sa pag-aaral ang PBB Big Winner na si Maymay Entrata.

“Natanggap ‘yung online daw na school para sa akin kasi gusto ko talagang makapagtapos ng pag-aaral gaya mo,” kuwento niya sa isang natanggal na seentunado nang siya ay maglaro sa I Can See Your Voice.

Kinuwento pa ni Maymay na hindi naging madali sa kaniya para ipagpatuloy ang pag-aaral.

“Kahit ngayon na busy ako talagang nagri-reach out ako doon sa paaralan namin kasi ‘yun lang ‘yung course na mayroon doon eh.”

Pero bago pa nagsimula ni Maymay na hulaan kung sino ang see-nger sa see-ntunado ay sinubukan ding hulaan ni sing-vestigator Alex Gonzaga ang estado nina Maymay at ka-loveteam nitong si Edward Barber, na hinintay ang dalaga sa set.

Paliwanang ni Alex, “Mga boyfriend at girlfriend ang bumibisita at nanonood ng taping.”

Ginamit niyang halimbawa si Billy Crawford na dinalaw ni Coleen Garcia, at si Luis mismo, na binisita ni Jessy Mendiola.

Hindi naman diretsong sumagot si Maymay at Edward, pero may eksplenasyon naman kung bakit nandoon ang PBB heartthrob.

“Hindi po kasi, ma’am. Pagkatapos kasi nito, ma’am, may lakad kami sa workshop,” say ni Maymay.

Well kahit ano pa ang sabihin ni Maymay, mas marami ang naniniwala na magdyowa na sila, ha! Lalo na at may nakahuli pa sa kanila na nakahilig siya sa braso, dibdib ni Edward habang natutulog.

Ang sweet, ‘di ba? So, hayaan na lang, basta para sa mga fan, magdyowa na silang dalawa, at sa tiyaga na ‘yon ni Edward sa paghihintay kay Maymay sa taping, ano pa ba ang ibig sabihin noon