Una sa Balita

Maymay napagkamalang si Catriona Gray

0 1,208

abante-paistaran-dondon-serminoNatanong na noon si Catriona Gray, na kung isasalin sa telebis­yon, o ikukuwento sa Maalaala Mo Kaya ang kuwento ng buhay niya, sino ang gusto niyang gumanap.

“I’ll pick Maymay (Entrata), she’s kind of a goofball, a little bit like me,” sagot ni Catriona noon.

Well, sa latest Instagram post ni Maymay, marami ang nagulat, at medyo nagdalawang isip, kung si Maymay ba ang nakikita nila, o si Miss Universe 2018, Catriona Gray?

Anyway, sa unang tingin nga, parang sinapian ni Catriona si Maymay, sa pagka-fierce ng tingin, at sa klase ng hairstyle, at makeup niya.

Nakakatuwa lang, na hindi naman ang damit, o mukha ni Maymay ang pino-promote niya, kundi ang sapatos na ini-endorse nga niya, ang Skechers.

Pero, ang pagkakahawig nga raw niya kay Catriona ang mas napansin talaga ng mga fan niya.

“Hawig mo si Ms. Universe 2018 Catriona Gray,” sabi ni @therealmayward.

shox_mjm “Maymay ikaw na ang susunod na Miss Universe!!! Ang kaway ni Catriona Gray parang kaway mo rin.”

maymay_barber15 “Exited napo akong gumanap ka bilang CATRIONA sa MMK ate May.”

iamshunicole “So pretty! international model talaga bai!”

elizabethvalencia5119 “Perfect Maymay talaga. Mala-diyosa at anghel ang dating mo Maymay. Modern n diyosa. bagay n bagay sau ang sketchers.”

lyn_paxton “bagay sayo maging Ms. Universe May..pure pinay talga.”

azaleahjudee “Ganda. Try ka kaya magjoin ng Miss Binibining Pilipinas 2019 tapos Miss universe!”

Well, kayo na ang mag-decide sa photo na ito kung kahawig nga ni Maymay si Miss Universe, ha!

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy