Una sa Balita

Maymay naiyak sa mga frontliner: Kim Chiu humagikgik sa boses ni Big Brother

0 516

Nagkaroon ng chance makipagkamustahan si Big Brother sa mga dati niyang housemates ngayong quarantine season sa isang surprise video chat niya sa big winners na sina Kim Chiu, Maymay Entrata, at Seth Fedelin.

Hagikgik nang hagikgik si Kim Chiu nang marinig si Kuya at naging confession room daw ang bahay niya.

“Nandito si Kuya sa bahay ko. Grabe, it’s so amazing. Binibilang ko na lang kung ilang beses aangat at lulubog ang araw,” banggit ng chinita princess habang pumapalakpak pa.

Sa pag-uusap nila, inisa-isa ni Big Brother ang mga paraan kung paano magiging healthy ngayong quarantine season gaya ng pag-e-ehersisyo, pagkain nang masustansya, pagkakaroon ng sapat na tulog.

Hindi naman napigilan ni Maymay na maiyak nang magsalita si Kuya dahil sa pagka-miss niya raw rito. Sinabi rin ng dalaga ang paghanga niya sa frontliners at pagpapasalamat niya sa pagkakataong makatulong sa kapwa.

“Iniisip ko kung gaano pa kahirap pinagdaraanan ng ibang tao. Kami dito, bored sa bahay. Pero yung iba, kulang pangangailangan sa araw-araw. Kaya masayang-masaya ako na naging parte ako ng ‘Pantawid ng Pag-ibig’ campaign ng ABS-CBN kasi kahit saan pwede tayo tumulong,” kwento ni Maymay.

Nagulat din si Seth nang makausap si Kuya at nagbigay pa ng tour sa bahay nila na kanyang napa-renovate matapos siyang lumabas ng “PBB.” Proud na proud naman daw si Big Brother dahil may naipundar na ang teen star, at tinukso pa siya sa ka-loveteam niyang si Andrea Brillantes.

Nakakatuwa naman si Kuya at hindi niya nakakalimutan ang kanyang housemates. Sana marami pa siyang makausap na alumni ng kanyang bahay para makapagbigay saya sa mga tao ngayong nananatili sa kani-kanilang tahanan. (Dondon Sermino)

Abante – Wendys Inhouse Ad

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More