Una sa Balita

Maymay nag-panic sa mga babaeng hubo’t hubad sa HK

0 602

abante-paistaran-dondon-sermino

Naloka si Maymay Entrata nang pumasok siya sa ‘sauna’ sa Hong Kong, kasama ang mga cast ng pelikulang ‘Hello, Love, Goodbye’, na sina Kathryn Bernardo, Lovely Abella, at Kakai Bautista.

Kuwento ni Maymay, kapag may free time sila, at allowed si Kathryn na maglakwatsa, kapag light lang daw ang mga eksena na gagawin nito, nagba-bonding talaga sila.

Bawal nga kasi si Kathryn na humawak ng cellphone, o ma-ging masaya off camera, dahil halos karamihan daw ng mga eksena ni Kathryn sa Hong Kong ay puro malungkot siya, o pagod na pagod.

Anyway, walang idea si Maymay kung ano ang ‘sauna’ kaya nung nagpunta sila sa lugar na ‘yon ay naka-sando at shorts siya. Kaya ganun na lang ang pagkataranta niya nung big-lang nagpasukan na ang mga Haponesa na hubo’t hubad.

Tinakpan daw niya ang mga mata niya dahil hindi niya kinaya na makakita ng mga babae na walang saplot, ha!
Ang mga kasamahan daw niya ay puro naka-bikini naman. Pero siya nga raw ay naka-shorts at sando.

“Hinding-hindi talaga ako maghuhubad!” natatawang chika ni Maymay, na patakip-takip pa ng mga mata habang ikinukuwento kung paano nagpasukan ang mga babae na walang saplot.

Paulo dinedma ang hiling ng fan

Ang bongga lang ni Paulo Avelino, na nadadaan niya sa biro ang sagot sa mga tanong, o himutok sa kanya ng mga fan. Kung ibang artista siguro yan, baka pina-trending na, kinunan ng video, at ipinakalat sa social media, sa kung paano sila tinanggihan ni Paulo.

Anyway, tweet nga ng isang girl fan:
“Nagpa-vide greetings ako sayo, sabi mo ‘next time na lang miss sorry’. So kelan ang next time mo?”

At siyempre, buong ning-ning itong si-nagot ni Paulo na:
“Style ko lang yon para makatakas. Puro kayo pa-video greet, eh, ayan na nga ako sa harap mo. Yakapin mo na kesa puro ka cellphone,” sabi ni Paulo.
Oh, di ba, tapos ang usapan.

‘Fairy Nova’ nainggit kina Ronnie, Vina

Kaabang-abang na naman ang Daig Kayo Ng Lola Ko sa Linggo nang gabi. Kasi nga, itong si Betty ay dumiretso ng La Union para magbaksyon ulit, at sina Vina at Ronnie ay kinakailangan nang bumalik ng Maynila para pumasok sa eskwelahan.

Subalit, sa kanilang pagdating ay siya ring naramdaman nilang may sumusunod sa kanila. Kung tutuusin, nagimbal sina Vina at Ronnie sa pagpatay-sindi ng mga ilaw at nakakapanindig balahibong pakiramdam. Napatunayan nila na may nilalang silang kasama nang lumitaw ang kapatid ni Fairy Mona na si Fairy Nova (Nar Cabico) sa kanilang harapan.

Nasisindak man, kasama ang kanilang landlady na si Aling Shiela ay humingi ng tulong sina Vina at Ronnie sa isang albularyo at pari upang mataboy ang masamang espiritu, ang kaso lang, isang simple, mabuti at masiyahing fairy si Fairy Nova.

Nang hindi mataboy ng mga ritual na isinagawa ng albularyo at pari si Fairy Nova, nagpakita itong muli kina Vina at Ronnie upang iparating na wala itong masamang balak. Sukdulan naman ang takot nina Vina at Ronnie pero nagpaliwanag agad si Fairy Nova kung bakit nito sinundan ang dalawa.

Gusto ni Fairy Nova na maranasan ang buhay sa syudad at nainggit pala ito sa kanilang “squad goals”. Nang matuklasana ang tunay na intension ng fairy, tinulungan nina Vina at Ronnie si Fairy Nova na malibot at maranasan ang syudad.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy