Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Maymay na-trauma sa pinagdaanan ng ina

0 57

Binahagi ni Maymay Entrata na minsan ay nagalit siya sa kanyang sarili dahil hindi niya madamayan ang inang OFW sa pinagdaanan nitong paghihirap sa ibang bansa sa kamay ng ibang tao.

Tungkol kasi sa mga kwento ng OFW ang tema ng latest episode ng show nila ni Robi Domingo na “Call Me Maybi” sa kumu.

“Walang oras na hindi nila ine-explain sa akin kung bakit niya ginagawa ‘yung sakripisyong mapalayo sa amin dahil para rin sa amin ‘yun. Pero hindi tampo, mas higit doon. Galit, hindi sa nanay ko, galit sa sarili ko at sa taong nanakit sa nanay ko,” sabi ni Maymay.

Kuwento ni Maymay, ito na raw ang pinakamabigat na pagsubok na pinagdaanan niya.

“Galit na galit ako sa sarili ko na hindi ako makapunta doon. Hindi ko siya madamayan. Hindi ko siya malapitan. Hindi ko siya ma-hug. Hindi ko siya mahalikan. Hindi ko masabi na ‘Ma, okay lang yan. Andito lang ako. Ano ba ang gagawin ko para maging okay ka?'” emosyonal na pagbabahagi ng Kapamilya star.

Dagdag pa ni Maymay, nagsisilbing inspirasyon sa kanya ang ina para hindi rin sumuko sa buhay, lalo na’t ibinibigay nito ang pangangailangan nilang magkakapatid sa kabila ng trauma na pinagdaanan nito.

“Walang kahit sinong taong nakita ko o na-witness ko na pinaka-strong na kakilala ko kundi iyong nanay ko. Dahil doon sa na-experience niya na ‘yun ay patuloy pa siyang lumalaban,” sabi niya.

“Laging bumabalik sa akin ‘yung panahon na kinaya ng nanay ko, kakayanin ko rin,” dagdag ni Maymay.

Napapanood ang “Call Me Maybi” ni Maymay at Robi tuning Biyernes sa kumu. Bukod dito napapanood din ang dalawa tuwing Linggo naman sa “iWant ASAP” ng iWantTFC. (Dondon Sermino)

Leave A Reply

Your email address will not be published.