Una sa Balita

Maymay-Edward feeling lovers in Paris

By
0 2,765

Couple goals ang dating sa fans ng paepek nina Edward Barber at Maymay Entrata sa Paris. Ang soshal! Ang bonggels! Sobrang kakilig! Maaliw ka talaga sa kanila.

Ang suwerte ni Maymay kay Edward. Feel na feel nga raw kasi kung paano mag-alaga si Edward ng babae. At girl na girl nga raw si Maymay sa piling ni Edward.

“Practicing for #makingmega2018 be like. #ParisTayongBaliw,” ang bonggang caption ni Edward sa Instagram photo nila ni Maymay na ang background ay ang Eiffe­l Tower.

Sa Instagram stories ni Edward, hindi puwedeng hindi kasali si Maymay. Ang biruan, harutan, lambi­ngan nila ni Maymay, laging nakabandera. Kahit madalas niyang asarin, biruin, tuksu­hin si Maymay, ang cute pa rin ng dating.

At ngayong 2018, napi-feel nga ng fans nila mas lalo silang dadami at mas lalong babango ang career ng dalawa.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy