Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Maymay 3 lalaki ang ipinalit kay Edward

0 451

Ay, burado na talaga si Edward Barber kay Maymay Entrata, ha! Matapos ngang isiwalat ni Edward na magkaibigan lang sila ni Maymay, at matapos matsismis na may dyowa siyang iba ngayon, heto nga at tila patungo na sa solo career si Maymay.

Katunaya, sunod-sunod ang ganap sa buhay ni Maymay ngayon. Nag-launch nga siya ng bagong single, at heto at nagpasiklab na naman siya sa ASAP Natin ‘To, ha!

At yes, lahat ng ganap ni Maymay, wala si Edward. Tulad nga sa ASAP na kung saan ay sila ang magkasama talaga mula noon, pero nitong Linggo nga ay wala na si Edward.

At bongga si Maymay, dahil tatlong lalaki agad ang ipinalit niya kay Edward bilang partner sa dance floor, ha! Sina Inigo Pascual, Jin Macapagal at Joao Constancia.

May mga nagri-request pa rin naman n asana next time sina Maymay at Edward naman. Pero, parang mas marami ang natutuwa na may solo career na si Maymay ngayon.

Leave A Reply

Your email address will not be published.