Una sa Balita

Mayhem Mbala: Back-to-Back MVP

By
0 29

Sinunggaban ni La Salle big man Ben ­Mbala ang pangalawang sunod na UAAP Most Valuable Player award kahit kulang siya ng dalawang laro sa 14-game elimination round ng Season 80 basketball tournament. 

May Statistical Points average na 96.58 ang ­Cameroonian. 

Sinandalan ng Green Archers ang matikas na laro ni Mbala kaya tumapos sila ng 12-2 record sa pagtatapos ng elims round noong Linggo.

Dinungisan ng Taft-based squad ang malinis na baraha ng Ateneo matapos ang 79-76 panalo noong Linggo.

Nangalabaw si Mbala sa kanilang panalo, nag­tala ng 28 points at 19 rebounds.

Bukod kay Mbala, nasa Mythical Team sina ­Ateneo star Thirdy Ravena na pangalawa sa MVP race (66.50 SPs) at NU cager J-Jay Alejandro na ranked No. 3 (63.86 SPs).

Ang ibang nasa top 5 ay sina UE Warrior Alvin Pasaol (63.43 SPs) at ­Adamson Falcon Papi Sarr (63.15 SPs). 

Rookie of the Year si Juan Gomez de Liano ng UP.