Una sa Balita

Maybahay

By
0 266

Nakupo! Naloko na!

Sino itong government official na hilong talilong ngayon ang pag-iisip dahil nabuking ng kanyang mi­sis na mayroon siyang binabahay na iba pa?

Hindi malaman ni government official kung paano natuklasan ng kanyang maybahay na may iba na siyang binabahay dahil malayo ito sa kanilang inuuwiang tirahan.

Grabe ang galit ni misis lalo na nang malaman niya na ang babaeng binilhan ng bahay ni government official ay ‘yung dati na rin niyang pinagseselosan, na mas maganda at mas seksi.

Hanggang ngayon ay ‘di pa rin nagkakasundo ang mag-asawa. Lahat ng klase nang panunuyo ay ginagawa na ni government official at baka maunsyami pa ang kanyang mga planong politikal.

Kaya pala marami ang nagtaka na hindi na nila napapanood sa telebisyon ang isang sikat na personalidad dahil nga binahay na pala ni government ­official.

CLUE: 1. Ang kanyang pangalan ay may letrang ‘A’.

JUXEBOX: PEARLY SHELL

Pearly Shell,

From the ocean,

Shining in the sun,

Covering the shore…

***

BALITAWIT…

Nagpalabas na ng kautusan ang gobyerno ng Amerika para dalhin sa kanilang teritoryo si Janette Lim Napoles, ang pork barrel queen.
May kaugnayan ito sa kasong money laundering na umaabot sa $20 milyong dolyar.

Kasama ni Napoles na nakasuhan ng federal grand jury doon ay ang kanyang mga anak na si Jo Christine, James Christopher at Jeane Catherine; kapatid niya na si Reynaldo at asawang si Ana Marie.

Napatunayan na tinangka nilang ipasok sa mga bangko sa Amerika ang mga kuwestiyonableng yaman na galing sa pork barrel.

HINDI KITA MALILIMUTAN (Basil Valdez)

Hindi kita malilimutan

Hindi kita nakalimutan

Makukulong ka magpagkailanman

Ma’am Jenny, ang ‘yong pangalan

Verse:

Malilimutan ba ni Sen at Cong…

Ang pork barrel na galing sa kanya…

Pondo na kanyang naging puhunan…

Paano niya nanakaw sa kaban

Ngunit kahit pa nagsabwatan…

Ang ina at anak nagpayaman…

Chorus:

Hindi kita malilimutan

Sa US ka na magpaliwanag!

Hindi kita malilimutan

Kaso mo’y ‘di pababayaan.