Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

May wedding ring na? Julia napagkamalang buntis

0 164

Sa Instagram post ni Julia Montes kunsaan, may ine-endorso itong produkto, hindi nakaligtas sa paningin ng mga netizens ang dalawang bagay.

Una, ang suot nitong singsing na may malaking bato ng diamond. Pangalawa, na kesyo tumaba raw ito at binigyan na ng iba ng meaning ang pillow na nakatakip sa bandang tiyan niya.

May mga comments na, “Tumaba ka bigla Juls.”

Pero ang mas binigyang pansin ay ang suot nitong singsing. May nagtatanong kung engagement ring o wedding ring daw ba ito.

“Un oh ang bato ni Mrs. Martin.”

“Wedding ring?”

Pero mas marami ang nagtatanong at gustong malaman kung bababalik daw ba ito o hindi na sa ‘Ang Probinsyano’ na balitang malapit ng magtapos. (Rose Garcia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.