Una sa Balita

May utang ako magkaka-record ba ako sa NBI?

0 370

Good day po Atty. Claire,

May katanungan lamang po ako regarding sa pagkakautang po sa home credit. Kapag po ba naisampa na po ang kaso dahil sa hindi pagkabayad ng utang dahil po di nakapagbayad gawa po ng problemang financial. Maari po bang makaapekto ito sa nbi clearance at makulong?

Salamat po,
Giselle

Ms. Giselle,

Walang nakukulong sa utang mali­ban lamang kung sa simula’t-simula pa lamang ay mapapatunayan na kaya lamang nangutang ay upang manloko, takbuhan ang utang at walang balak talagang magbayad. Kapag napatunayan na nanloko lamang ang umutang ay maaari siyang sampahan ng kasong estafa at doon magkakaroon ng record sa NBI.

Hindi ko sinasabi na ang mga nangutang ay walang dapat katakutan dahil hindi tama na mangutang at hindi bayaran. Ngunit kung nandoon ang balak na magbayad at nakikiusap na babayaran ng paunti-unti ay maaari lamang sampahan ng kasong collection of sum of money with damages at ito ay hindi naman sinasama sa NBI records.

Mas magandang makipag-ugnayan sa inutangan at sabihin ang paraan ng balak na pagbabayad. Kung sob­rang taas na ang interes na hinihingi ay maaari kang dumulog sa korte upang mamagitan sa usapin patungkol sa hindi makataru­ngang interes.

Kung may katanungan pa ay tumawag lamang sa 922 0245 o mag-email sa attorneyclaire@gmail.com.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy