Una sa Balita

May tumor ako

0 181

“May tumor ako! May Kanser ako! Mamamatay na ako!” Bago tayo mataranta, maging desperado at hopeless kalma muna. ­Umpisahan natin sa kung ano ba ang kahulugan ng salitang­ “tumor”. Ang ibig sabihin nito ay isang bukol­ o abnormal growth of body tissues or cells. Kapag may tumor, ­hindi agad ibig sabihin may Kanser. Dalawang klase ang tumor, may ­benign o malignant.

Pangunahing tinitingnan­ ay ang history at physical exami­nation. Inaalam kung saan, kailan at papaano nagsimula ang tumor, gaano na katagal magmula nang madiskubre at gaano kabilis­ ang paglaki. Ito ba ay gumagalaw? Masakit? May mga kaakibat na ibang sintomas? ­Depende sa kasagutan sa mga tanong na ito, magkakaroon ng initial assessment. May mga laboratory work up at imaging na maaaring irequest para malaman kung pwedeng ­operahan at tanggalin o hindi. Ngunit ang kaisa-isang tunay na pamamaraan para malaman kung ang tumor ay kanser o hindi ay ang procedure na biopsy­, na tinitingnan ng isang pathologist.

Ang benign lesions ay buong buo, magalaw at hindi masakit. Kadalasan inoobserbahan lamang, ngunit kung medyo mabilis ang paglaki, sumasakit na, o nagkakaroon ng limitasyon sa pagkilos at galaw, kailangan tanggalin sa pamamagitan ng operasyon. Kung buong buo makuha, halos wala nang iba pang kailangan gawin pa.

Ang malignant lesions­ ay mas malala. Hindi buo ang kanyang arkitektura, ­apektado ang mga karatig na ­tissues at organs, at may kakayahang kuma­lat sa ibang lugar na tinatawag­ na metastasis. Maaa­ring kailanganin opera­han o maaaring hindi na kaya, ngunit, may iba pang ginagawa­ para mapigilan ang ­paglaki at pagkalat ng bukol tulad ng chemotherapy, ra­d­ia­tion, o cobalt.

Noon, kapag ang diagnosis ay kanser, iniisip natin na ito ay ikamamatay na. Ngayon, ng kanser ay manageable na. Ang susi ay maagang pagtuklas ng bukol at ma-diagnose­ agad. Kapag nadiskubre ng maaga, at matanggal ng buo ang bukol, maaaring wala nang kinakaila­ngan pang gawin kundi obserbahan na lang. Kung ito ay kumalat o nag-metastasize, baka hindi na kayaning operahan. Pangkabuoang pagsuri o holistic ang gagawin at kung papaano maaapektuhan ang pang araw-araw na kilos at galaw. Ngunit kung may ibang sintomas na kaakibat, tulad ng naguumisang pagkabalda, o ­dahil sa tumor ay mas bumibils ang panghina ng katawan, o sa kalakihan nito, paminsan ay inooperahan pa din.

Sa lumalala na kundisyon, ang metabolismo ay maaapektuhan at ang nutrition mula sa kinakain ay hindi nakukuha, mga supplementation at bitamina ay kakailanganin­.

Ang nararapat ay dumalaw sa inyong mga doktor at gawing regular ang check-up kung may kakaibang nararamdaman o may bukol na nakakapa­ nang maagang­ madiagnose kung kanser­ nga ito.

Hanggang sa susunod­ na Martes!

J. RYLAN G. FLORES, MD ay isang orthopaedic surgeon, nutrigenomics practitioner at DNA profiler, fellow ng International College of Surgeons at Philippine Academy of Medical Specialists. Siya ay matatagpuan sa De los Santos Medical Center. Speaker sa iba’t ibang talakayan (medical man at iba pa, dito at internasyonal). Isang personalidad sa pelikula, telebisyon, at radio (mapapakinggan sa Kalusugan Kakabilib sa DWIZ882 tuwing lingo 11am-12nn). Sundan sa twitter@rylanflores, gamitin ang hashtag na #docquestion at Facebook sa Doc Rylan para sa mga komentaryo at katanungan.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy