Una sa Balita

May trauma kina Joshua, Gerald? Barretto ayaw nang makipag-love team

0 440

Ibang-iba na si Julia Barretto nang humarap sa entertainment press para sa presscon ng I Am U (na mapapanood sa iWant). Ramdam ang kaligayahan niya, na para bang nakakawala siya sa isang kulungan.

Kunsabagay, matapos ang kontrobersiya sa buhay niya, ang wish ng iba na mawalan siya ng career ay hindi nagkatotoo. Bagkus ay nagkasunod-sunod pa nga.

Anyway, sa I Am U ay dalawa nga ang ginagampanan niya. Mga karakter na parehong palaban.

“Gusto ko sila pareho because, pareho silang may kulo. Gustong-gusto ko ‘yon kapag meron silang tinatago sa loob, na gusto nilang pareho ilabas.
“Gusto ko sila pareho, kasi pareho silang palaban. Walang nagpapaapi. Laban sa laban. Kung sino ang mananalo sa laban!” sabi ni Julia.

Meaning, mas gusto na niya ang mga ganitong role? Na ayaw na niyang buma­lik sa pa-love team-love team na tulad noong sa kanila ni Joshua Garcia?

“At this point, feeling ko, sobrang grateful ako na nabibigyan ako ng mga project na hindi katulad nang mga ginagawa ko before. I’m glad na nakakapag­laro na ako. I’m free to do ng mga role na iba talaga.

“Now I can be the actress that I always wanted to be. Siguro graduate na ako sa kung saan ako nanggaling. Pero pakilig, kaya pa naman.

“Permanent love team. Graduate na ako doon.

“I’ve been blessed na napagdaanan ko ‘yon. Of course, nag-e-enjoy pa rin akong gumawa ng mga rom-com, or rom-drama, na mga classic love story naman.”

Pakiramdam ni Julia, hindi na ito ang tamang panahon para magpa-cute pa sa harap ng kamera.

“Mas focused ako, na gawin lang ang best ko. Tumanda na rin ako. Siguro noong younger ako nape-pressure ako, kasi ang daming expectations. Pero now, I only have one goal, na makapag-deliver, perform.

“Yes, ayaw ko na nga ng permanent love team. Excited lang ako kasi sa new chapter na ito ng life ko, ng career ko.

“I am now able to, you know, free. Mas magkakaroon na ako ng opportunity na magtrabaho with a lot of actors, actresses. Like si Tony (Labrusca), makakasama ko ulit siya sa bagong teleserye. Kaya excited talaga ako.

Well, how about Gerald Anderson kaya? Well…

Tony kinabahan sa laplapan kay Julia

Kilala si Tony Labrusca bilang lalaki na mahusay makipaghalikan. Aba, natikman na nga siya nina Angel Aquino (Glorious). Tumatak nga ang mga eksena nilang dalawa na nagtutukaan sila.

Sabi nga, maraming babae noon ang gustong magpa-Glorious kay Tony. At kasama na raw roon sina Eugene Domingo, Bela Padilla, pati na si Lovi Poe, na kasama nito sa pelikula ng Viva Films, ang Hindi Tayo Puwede.

“Parang lahat ng mga contemporaries ko, parang iisa ang direction nila. Ako, iba ang direction. Parang unexpected ang nangyari.

“I’m so happy na ang nakatrabaho ko ngayon, pareho ng dynamics. Kasi, kasing-age ko si Julia. Iba ang rapport, chemistry namin.

“Pero sa mga nakasama ko noon, marami akong natutunan sa kanila.

“With Julia, iba rin kasi kapag ang katrabaho mo ay someone who is closer to my age. Nakaka-bagets pag nasa set kaming lahat. Masaya.”

Ano ba ang reaksiyon ni Julia noong malaman niya na kasama niya si Tony?
“Noong pini-pitch palang sa akin, na sabi si Tony Labrusca, sabi ko lang, ‘Oh, daming laplapan?’ Hahahaha!

“Kasi galing siya sa Glorious. I heard of Tony kasi first sa Glorious. So, bago ko pa siya na-meet, ‘yon na ang nasa isip ko, na talagang sexy, hot,” chika ni Julia.

Pero, wala bang lapalapan kaya na-disappoint siya?

“Meron nga, eh. Hahahaha.

“I enjoyed personally working with Tony. Ah, unang-una it was so easy to converse with him. Importante sa akin ‘yon.

“Kasi kailangan comfortable ka sa partner mo, like sa mga kissing scene. Na may mga intimate scene kami. Na-excite ako kasi si Tony magaling siyang leading man.”

Nagkailangan ba sila sa laplapan?

“May ganon na pressure na maraming kis­sing scenes, parang ang taas ng expectations, na magaling talaga akong humalik. Nape-pressure rin ako.

“Pero, because nga, iba-iba ang project, iba ang leading lady. I don’t wanna break their boundaries. So parang the first time is always kinakabahan talaga ako. I don’t want to disrespect them,” sabi na lang ni Tony.

Ang I Am U ay prodyus ng Dreamscape Entertainment at IdeaFirst Company. At mula sa direksiyon ni Dwein Ruedas Baltazar.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More