Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

May tatalsik! Duterte prayoridad sa PDP senate bet

0 192

Ipinagmalaki ni Energy Secretary Alfonso Cusi na sinuman sa mga senatorial bet ng PDP-Laban ay handang magbigay ng slot sakaling maisipan ni Pangulong Rodrigo Duterte na tumakbong senador sa 2022.

“Pinag-uusapan namin ‘yan. I’m sure one of them would be ready to give way to the president to make a sacrifice kung talagang tatakbo si angulo,” ani Cusi sa panayam ng TeleRadyo.

“If needed, kung tatakbo si Pangulo, baka mag-unahan pa sila magbigay-daan para lang tumakbo si Pangulo,” dagdag ni Cusi.

Kabilang sa senatorial bet ng PDP ay sina Atty. Sal Panelo, Robin Padilla, Silvestre Bello Jr. (kapatid ni DOLE secretary), Rey Langit, at ex-DPWH Sec. Mark Villar.

Matatandaang unang ninomina ng partido si Duterte na tumakbong bise presidente ngunit umatras ito dahil magreretiro na umano sa politika. (Mark Joven Delantar)

Leave A Reply

Your email address will not be published.