Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

May tama ba?

0 85

Ano ang mas gusto mo—magkagyera o manahimik na lang?

Ito ang karaniwang sagot ng pamunuan kapag tumitindi ang presyon na tumindig at magsalita upang ipagtanggol ang ating bayan laban sa mapang-abusong gawain ng China.

Bagama’t tanggap naman ng sambayanan na higit namalakas ang pwersang militar ng China laban sa atin, ito pa rin ay laging ipinapanakot sa atin na ikinukubli bilang paalalao pagsasabi ng katotohanan. Pansinin ninyo na dalawalamang ang sinasabing pagpipilian—tanggapin at manahimiktayo sa mga nangyayari o makipag-away at makipag-digmaansa China.

Sa biglang tingin at dinig, parang tama naman ang dating ng mga sinasabing ito. Ang kahalintulad na halimbawa ay kapaghinihikayat ka ng isang kaibigan na sumama sa isang party. Kadalasan, ang pamamaraan ng pagkumbinsi ay sabihin nasumama ka na sa party at mag-enjoy o mabagot ka sa bahay. Kung hindi mo ito susuriing mabuti, madali kang mahuhulogsa bitag ng ganitong argumento. Ang totoo, hindi namannangangahulugan na kung hindi ka sasama sa party ay mababagot ka sa bahay sapagka’t maari ka rin namanmaging masaya o hindi mabagot sa bahay. Maari mo pang idagdag na hindi rin nangangahulugan na kapag sumama ka ay mag-eenjoy ka.

SM food to go Banner Ad

Sa larangan ng logic o pangangatwiran, masasabingmayroong depekto ang pamamaraan ng argumento.Tinatawag ang mga depektibong pamamaraan ng pangangatwiran bilang fallacy na maraming klase, kagaya ng tinatawag na itim o puti (black or white) kung saan lumilikhang mahirap nguni’t maling sitwasyon, kung saan pinapalabasna dalawa lamang ang pagpipilian.

Sa katotohanan, hindi lang naman gyera o pagtanggap natinsa sitwasyon ang maaring pagpilian. Marami pang ibang mgamaaring gawin—kagaya ng makipag-alyado sa ibang mgabansa sa ASEAN upang lumalakas ang ating pwersa o boses. Maari rin nating igiit ang ating naging panalo na desisyonnuong 2016 sa anumang nararapat na korteng pandaigdiganat marami pang iba. Pero, tila ayaw ng ating pamunuan napakinggan ang mga ito.

Maari rin nating sabihin na ang ganitong uri ng argumento ay maituturing na strawman fallacy. Ang strawman ay higit nanaiintindihan natin bilang tau-tauhan na yari sa dayami nanilalagay sa bukid upang magsilbing pantaboy sa mga ibon. Sa madaling salita, ito ay ginagamit na panakot.

Ginagamit din ang ganitong klaseng

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.