Una sa Balita

May suplay na ulit ng NFA rice

By
0 1,693

IPINAHAYAG ng National Food Authority (NFA) na maaari nang makabili ang publiko ng well-milled rice na nagkakahalaga ng P39 kada kilo habang wala pa ang inangkat nila na murang bigas.

Ayon sa NFA, ang well-milled rice na magiging available na sa merkado simula nga­yong araw ay ang nauna nang ipinangako ng mga rice trader kay Pangulong Rodrigo Duterte na tulong nila habang kapos pa ang bansa sa supply ng murang NFA rice.

Sinabi ni NFA Spokesman Rex Estoperez na aabot sa 700,000 sako ng well-milled rice ang ibebenta sa publiko at manggagaling sa mga rice supplier mula sa Nueva Ecija at Isabela.

Sa mga bibili ng murang bigas ay maaari umano itong mabili sa mga rolling store na may nakalagay na ‘Tulong sa Bayan Caravan’ tarpaulin.

Sinabi ni Estoperez na walang limitasyon kung ilang kilo ang nais na bilhin ng publiko.

Tiniyak din ng NFA na may sapat na supply ng well-milled rice para sa lahat na nais bumili.

Sa susunod na buwan ay inaasahang darating na rin umano sa bansa ang 250,000 toneladang inangkat na NFA rice na idedeliber sa iba’t ibang pantalan sa bansa.