Una sa Balita

May sariling dialysis center, MRI machine ang Maynila

0 105

Dinatnan ni Mayor Joseph ‘Erap’ Estrada ang Maynila noong 2013 na hindi lamang lubog sa utang, nasa miserableng kondisyon din ang mga ospital ng lungsod at wala ring maayos na programa para sa kalusugan ng mga mamamayan.

blema ang bumungad kay Mayor Erap, gaya ng maruming lungsod, talamak ang krimen, walang sistema ang pamamahala at sangkatutak na katiwalian na nagpabagal sa pag-unlad ng Maynila na kapitolyo ng bansa.

Matapos mabayaran ang utang ng lungsod sa kuryente, tubig, telepono at iba pang obligasyon na umaabot sa P5 bilyon, kinailangan ni Mayor Erap na maghanay ng mga programang tutugon sa pa­ngangailangan ng mga resi­dente ng lungsod.

Abante Hiring – IT dep

Kasunod ng pagsasaayos sa peace and order, isinama na ni Mayor Erap sa kanyang prayoridad ang renonavation at rehablitation ng mga napabayaang ospital, paglalagay ng mga libreng gamot, pagbili ng mga pasilidad na magagamit ng mga may sakit.

“Kaya dito sa Maynila, mayroon kaming programa para sa kalusugan ng lahat mula bata hanggang matanda. Ito iyong tinatawag kong from womb to tomb,” sabi pa ni Mayor Erap.

Ang binabanggit ni Mayor ay ang tulong na natatanggap ng mga Manileño mula sa pagkasilang pa lamang, pagtanda hanggang sa libreng paglibing.

Komprehensibong programang pangkulusugan ang ipinatutupad ni Mayo­r Erap. Naglagay si Mayor ng mga gamot sa ospital ng lungsod na libreng naipagkakaloob sa mga pasyente.

Ang Maynila lamang ay mayroong sariling Dia­lysis Center na nakapagseserbisyo nang libre sa mga residenteng may kaila­ngan nito. Karaniwan, ang dia­lysis ay hindi bababa sa P3,500 bawat sesyon ng isang kidney patient. Tatlo hanggang apat na sesyon ang kailangan ng isang pasyente depende sa kondisyon nito kaya aabot sa P10,500 ang normal na lingguhang gastos sa dialy­sis subalit libreng ipinagkakaloob sa Maynila.

Sa ngayon, ang dialysis machines ng lungsod ay 26 na inaasahang magiging 60 machines na sa pagsulong ng programa ng alkalde.
Aabot sa 540 patients ang kayang pagsilbihan ng mga dialysis machines.
Ang Dialysis Center ng Maynila ay matatagpuan sa Gat Andres Bonifacio Memorial Medical Center (GABMMC) na kinaroroonan din ng Manila Eye Center na programa rin ni Mayor Erap sa mga may problema sa mata.

May sarili ring Magnetic Resonance Imaging (MRI) ang lungsod na nagagamit ng mga pasyente sa Ospital ng Maynila. Libre rin ito para sa mga Manileño.

Ang MRI ay isang uri ng medical equipment na ginagamit ng mga doktor upang malaman ang sakit ng isang pasyente, lalo na kung kailangan ng mas madetalyeng impormasyon ukol sa mga tissue organ, buto at iba pang body structures na puwede sa non-invasive exa­minations.

Magmula 2016 hanggang ngayong 2018, aabot na sa P1.4 bilyon ang inilaan ni Mayor Erap para sa kanyang health programs. Ang P400 milyon para sa modernization, rehabilitation at renovation ng mga ospital, P500 milyon para sa city health care program o PhilHealth Para sa Masa at P500 million para sa patients subsidy.

“Alam kong kailangan ng mga taga-Maynila ang tulong ng pamahalaan, lalo na sa aspeto ng kanilang kalusugan. Panga­rap ko talaga na maibi­gay sa Manileño ang pinakamagandang serbisyong me­dikal na kailangan nila, hindi ito naipagkaloob sa kanila sa mga nakaraang panahon kaya sinisikap kong maisakatuparan ito sa ilalim ng aking termino,” sabi pa ni Mayor Erap.

Kasama sa moderni­zation health program ni Mayor Erap ang pagbili ng city government ng mga bagong dialysis machines, MRI machines at iba pa kagamitan na pinakikinabangan na nga­yon ng maraming Manileño.

Naipaayos na rin ng alkalde ang mga sira-sirang ospital sa ilalim ng renovation and rehabilitation programs na ikinatutuwa ng mga doktor, mga health worker at pasyente.

Nagbigay din ng mga modernong ambulansya si Mayor Erap sa Justice Jose Abas Santos Gene­ral Hospital at Ospital ng Maynila bilang bahagi ng tuloy-tuloy na pagpapa­lakas ng serbisyong medikal ng lungsod.

Sa ilalim ng administrasyon ni Mayor Erap, nag­laan ang alkalde ng health budget para sa taong 2016 ng P3.38 bilyon o 23% ng kabuuang pondo ng lungsod, sa 2017 ay P3.9 bil­yon o 26% at P4 bilyon para sa 2018 o 26.5%.

Sa sistema ng taunang pagpopondo, pinatunayan ni Mayor Erap na una sa kanya ang kalusugan ng mga mamayan ng lungsod.

“Masinop ang paggasta ng city sa pondo kaya lahat ng kailangan sa mga ospital ay ating naipagkakaloob. Mas mapapalawak pa natin ang health programs sa mga susunod na taon. Naniniwala ako na kapag malusog ang mamamayan, mas makakatulong sila sa pag-unlad ng bayan,” sabi ni Mayor Estrada na nasa kanyang ikalawang termino bilang ama ng lungsod.