Una sa Balita

May sakit naipit sa trapik kinarga ng enforcer paospital

0 523

HINANGAAN ng mga netizen ang isang traffic enforcer ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ­matapos nitong kargahin papuntang ospital ang isang batang maysakit nang maipit sa ­trapik ang sinasakyang kotse nito.

Sa Facebook post ni Mit Javellana, sa sobrang traffic hindi na gumagalaw ang mga sasakyan kung nasaan ang bata at sobra na ang panginginig nito dahil sa ­ sobrang taas ng lagnat.

Nalaman ng MMDA traffic enforcer na si Jeremi Lukban ang emergency ­situation ng bata nang lapitan nito ang sasakyan.

“Napansin ng MMDA na sumisiksik na ‘yung kotse at sumisingit kaya lumapit siya. Noong nalaman niyang papuntang ER, nag-offer siya na buhatin na si Earl at maglakad na lang pa-hospital. ­Maraming salamat po sa inyo Sir,” sabi sa post ni ­Javellana.

Dahil rito, saludo kay Lukban ang mga netizen.

“Lodi,” ani Nanz Romualdo Tolentino.

“Salute to u sir,” comment naman ni Amaru Oaquiera. (Issa Santiago/Armida Rico)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More