Una sa Balita

May problema ba ang Uste?

By
0 149

Nasa second round elimination na ang 80th season ng UAAP, malas pa rin ang kampo ng UST Growling Tigers ni coach Boy Sablan.

Pangwalong talo na ito ng Uste laban sa UP Maroons ni coach Bo Perasol, 71-69. May problema ba sa Growling­ Tigers na hanggang ngayon ay hindi pa nakakapag-uwi ng panalo?

Bakit kasi nagmadali si Marvin Lee ng UST, dalawang puntos lang naman ang lamang ng kalaban.

Tumira pa ng three-pointer, kailangan lang naman itabla ang iskor para nagkaroon sana sila ng chance kung nag-overtime ang laro. 

***

Last playing year na ni Paul Desiderio ngayon­g taon sa UP Maroons, maganda naman ang ipinapakita ng player.

Katunayan nakagawa siya ng 10 points, 5 assists at 5 rebounds. Ayon nga sa kanya, mas okay ang sitwasyon ngayon ng Maroons kumpara noong isang taon. Sina Felix Jaboneta at Jun Manzo, ang nakapag-ambag ng 12 at 11. 

***

Bugok rin itong Fil-Am player na ito mula sa sikat na team.

May asawa’t anak siya pero bakit nililigaw-ligawan pa niya ang live-in partner ng isang ex-player mula sa sikat na kolehiyo sa NCAA.

Gusto raw ng basketbolista na maging syota ang ka-live-in ni ex-player. Ang totoo niyan kulang na lang sa kasal si ex-collegiate player at nobya niya dahil may anak na sila.

Katunayan nung pinapunta ng basketbolista ang kanyang mag-ina sa trabaho nito sa ibang bansa ay nag-propose na si player sa wife niya.

Tinanggap naman ni girlalu ang proposal ng kanyang live-in partner. At tsika namin, may plano na silang magpakasal.

Kaso biglang nagulo ang magandang pagsasama ni ex-collegiate player nang pormahan ni Fil-Am PBA player ang magandang live-in partner ng basketbolista.

Ang siste, kaya naghahanap si professional player ng iba para maging tsikababes, kasi hindi seksi ang esmi nito.

Dahil sa panliligaw ni player sa GF ni ex-collegiate player ay lagi umano itong nag-aaway eh long-distance affair na nga lang.

Ito naman palang si Fil-Am player ay takuza rin. Ayaw nyang malaman ng dyowa niya na may kalokohan siyang ginagawa.

Sa madali’t sabi, umuwi ng ‘Pinas ang ex-player para ayusin ang gulong nangyayari.

Nakipagkita ang magka-live-in sa asawa ni Fil-Am at sinabing nilalandi ni player ang asawa ni ex-collegiate player.

Buti na lang mabait si ex-player at pinatawad si Fil-Am at nangako si player na hindi na nito guguluhin ang GF niya. Misis naman ng Fil-Am player, galit na galit.

Ewan kung anong mangyayari sa pagsasama nila. Kasi hindi lang ngayon nangyari ang ganitong sitwasiyon kung ‘di madalas dahil sa pagiging babaero ni Fil-Am. Feeling guwapo naman to!

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More