Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

May pangkotse na! Gulaman vendor napuno drum ng P20

0 65

Sineryoso ng isang tindero ng gulaman at isda ang kanyang ipon challenge, at sa loob lang ng apat na buwan ay nakalikom na siya ng napakaraming P20 bill.

Kuwento ni Gerdan Tolero, humarap sila sa pagsubok noong makasama ang pamilya nila sa nasunugan noong April 2020 sa Happy Land, Tondo, Manila. Naabo aniya ang lahat ng kanilang gamit at tanging P1,000 lang ang natira sa kanyang ipon noon.

Doon niya naisipang dumiskarte para makabangon, at nagsimulang magbenta ng mga drum na kanyang binibili mula sa mga bakery.

Nang makakita ng oportunidad na bumili ng side car ay lumipat naman si Gerdan sa pagbebenta ng gulaman, hanggang sa lumago ito at naisipan naman niyang magbenta ng isda.

Nitong Enero 2021 ay nakakita ang vendor ng drum na 30 litro, at dito niya naisipang punuin ito ng P20 bill na kanyang kinikita sa pagiging gulaman at fish vendor. Hindi binahagi ni Tolero kung magkano ang kanyang naipon ngunit sapat na aniya ito para makabili ng second hand na kotse. (Ray Mark Patriarca)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.