May palit-ulo pero… — Bato

By

Mayroon mang palit-ulo na nangyayari sa ‘war on drugs’ ng Philippine National Police (PNP), pero malayung-malayo ito sa ibinunyag na palit-ulo ni Vice President Leni Robredo sa isang video message sa United Nations (UN).

Sinabi ni PNP chief Director General Ronald ‘Bato’ dela Rosa na kung ang kasaysayan ng kanilang institusyon ang pagbabata­yan ay wala pa itong nariri­nig na ganoong sistema.

“Ang alam ko lang na palit-ulo ay ang pagtuturo o paglalaglag ng mga nahuhuling pusher sa mga kasabwat nilang drug lord o supplier kapalit ng paghahain ng mas mababang kaso laban dyan,” wika pa ni Dela Rosa.

Sa ibinunyag ni Robredo, sa sistemang palit-ulo, ang asawa o kaanak ng mga sangkot sa droga ang aarestuhin kapag hindi ito nakita o naaresto.

Dahil dito, seryosong hinamon ng heneral ang Bise Presidente na iharap sa kanya ang pulis na gumagawa ng ganitong uri ng palit-ulo at oras na mapatuna­yang totoo ang sinasabi ni Robredo ay bubugbugin niya ito sa harap mismo ng huli.

SHARE