Una sa Balita

May pag-asa rin ang kababaihan

0 363

Higit anim na buwan na lang bago ganapin ang 32nd Summer Olympic Games 2020 sa Tokyo, Japan.

Sa kasalukuyan, dalawa pa lang ang ating national athletes na nag-qualify para sa quadrennial sportsfest na idaraos sa darating na Hulyo 24-Agosto 9.

Sila ay sina men’s artistic gymnast Carlos Edriel ‘Caloy’ Yulo at men’s pole vaulter Ernest John ‘EJ’ Obiena.

Ikalawang nakasulong sa Tokyo Olympics si Yulo nang pumuwestong ika-18 sa individual all-around qualification ng 49th International Gymnastics Federation (FIG) World Artistic Gymnastics Championships sa Stuttgart, Germany nitong Oktubre 4-13.

Sa nasabing kompetisyon din nasungkit ni Yulo ang medalyang ginto sa men’s floor exercise para maging unang Southeast Asian at Pilipino gymnast na nakamedalya sa taunang paligsahan.

Unang umentra si Obiena sa 2020 Tokyo Games nang lampasan ang qualifying standard na 5.81 meters sa Street Meet sa Chiara, Italy nitong Setyembre. Ito ay naging bago rin niyang national record.

Patungo sa tikas na iyon ni EJ, naka-gold medal na rin si Obiena sa 23rd Asian Athletics Championships nitong Abril 21-24 sa Doha, Qatar at sa 30th Summer Universiade nitong Hulyo 3-14 sa Brazilia, Brazil.

Kaya malakas ang loob ko na may laban sina EJ at Caloy para matapos na ang may 95-taong paghihintay ng ating bansa o tayong mga Pinoy na makamit ang unang Olympic gold.

‘Di pa tayo nakaka-ginto sa Olympics sapul nang unang sumali sa 8th Olympics 1924 sa Paris, France.

Pero ‘wag ka, malaki rin ang pag-asa ng ating mga babaeng atleta na makaabot din ng Tokyo Olympics.

Malapit nang maabot nina weightlifter Hidilyn Diaz at sketaboarder Margielyn Didal ang kailangang world rankings at points para mga mag-qualify rin.

Siyempre nariyan pa ang mga contender ding sina karateka Junna Tsukii, taekwondo jin Pauline Louise Lopez, judoka Kiyomi Watanabe, golfers Yuka Saso at Bianca Pagdanganan, boxer Nesthy Petecio at iba pa.

Kaya tingin ko may mga babae ring manlalaro tayong makakapag-Tokyo rin at malaki ang tsansa nilang makaginto at mabigyan lang ng sapat na suporta.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More