Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

May pag-asa ang ‘Pinas – kapag bumoto tayo ng tama

0 93

Hawak na natin ang pagkakataon para mamili ng nararapat na mga lider ng ating bansa lalo na ang susunod nating Pangulo.

Kaya huwag nating hayaang manaig sa eleksiyon ang mga kandidatong kuwestiyonable sa lahat ng aspeto ng kanyang buhay.

Sa listahan ng mga kandidatong sasabak sa pagka-Pangulo marami ang may karapatang pamunuan ng ating bansa lalo na ngayong galing tayo sa pandemya at sandamakmak ang utang na kakaharapin.

Kaya ng aking panawagan sa mga kapwa ko botante ay maging matalino tayo sa pagpili ng mga iluluklok nating mga lider ng ating bansa.

Huwag tayong sumunod sa uso. Gumawa tayo ng sarili nating batayan ng pagpili ng ating lider.

Kumbaga ay huwag tayong magpadikta sa ating paligid, relihiyon at mismong sa ating pamilya kung sino ang nais nating iboto.

Pero kalakip ng ating pagdedesisyon sa iboboto ay dapat nating ikunsidera na dapat ang iboboto natin ay makakatulong sa maayos na buhay ng ating mga anak o ng mga susunod pang henerasyon dahil anim na taon itong hahawakan ng matataas na lider ng bansa na mananalo sa halalan.

***

Kung pagsasaalang-alang naman sa kinabukasan ng ating mga anak at apo, ako mismo ay handang isugal ang aking boto kay dating PNP chief Guillermo Eleazar. Napakadisiplinadong lider at nakatitiyak akong marami pa itong magagawang mabuti para sa ating bansa lalo na ang pagsiguro sa kaayusan ng ating peace and order.

Kung ikukumpara lang naman sa ibang kandidato, malaking ang kalamangan sa kuwalipikasyon ni General Eleazar kaya hindi masasayang ang ating boto kay Gen. Eleazar sa Senado.

Sa endorso kamakailan ng Iglesia ni Cristo (INC) naniniwala akong lalong lalakas ang kandidatura ng retiradong heneral na love ng maraming ordinaryong mamamayan at siyempre ng mga nasa hanay ng media dahil napakadali nitong lapitan sa anumang problema.

Leave A Reply

Your email address will not be published.