Una sa Balita

May nararamdamang kakaiba sa nanay (4)

0 778

Dear Dr Holmes: (shortened Oct 17 letter)

Di ko mapigilan ang pastasya ko dahil sa nangyari po sa akin

1) Nang grade 5 ako, pinatong ng mama ko ang hita nya sa pwet ko,… pabalik-balik ang ari nya sa pwet ko habang ginigising ako, hindi ako gumalaw, tapos nagpunta sya ng cr.

2) College na ako, naghiwalay na parents ko, inimbitahan ako ng nanay ko matulog daw kami sa sala kasi presko, hindi ako pumayag. Kita ko ang folding bed na hinihigaan niya kahit nakakumot, halatang nagpi-finger sya… di ko alam kung nag-eeksibishon sya.

3) College pa din ako, lumapit mama ko sa akin at humalik sa pisngi, hindi nakatali ang robe nya, hinawakan lang nya ito habang humalik sa akin, tapos pumunta na sya sa room nya at nagsara ng pinto.

Gusto kaya magtalik nanay ng ko? Parang inaakit din nya ako base sa obserbasyon ko, na molestiya ba nya ako ? naguguluhan po ako

– MICHAEL 

Dear Michael:

Maraming salamat sa sulat mo na pinublish natin ng buo noong nakaraang Martes, Oktubre 17. Sa huling kolum natin noong nakaraang Sabado, Oktubre 21, sinabi ko na, kahit maaring mahalaga malaman ang mga motibo ng nanay mo, ang pinakamahalaga ay ang iyong desisyon tungkol rito. Ano ang gagawin mo sa mga pantasya mo?

Sisikapin mo bang tigilan ang sarili mo kapag natanto mo na iniisip mo ang nanay mo bilang isang sekswal na partner? Kasi, kung magagawa mo ito, mas mabuti ito para sa iyong mental health.

Hindi ka responsible sa mga kilos ng nanay mo, pero responsable ka para sa iyong mga kilos, at para sa iyong mga desisyon.

Ang kutob ko ay ayaw mong may mangyari sa inyo ng nanay mo. Kung yan talaga ang iyong layunin, mas maiging huwag nalang ninyo pag-usapan ang inyong mga suspecha at, kung kaya mong tumira sa ibang lugar, mas mabuti kug magawa mo ito.

Malakas ang tawag ng laman, lalo na kung ikaw ay nasa 20’s o early 30’s. Mabuti na iwasan mo ang tukso dahil ang maaaring maging kahihinatnan ng pagsiping sa nanay mo ay napakabigat. Good luck, dearest Michael at sana sulatan mo nanaman ako kung mayroon pa akong maipaglilngkod sa iyo. Ingat ­– MG Holmes

Si Dra. Holmes ay nagsusulat sa Abante tuwing Martes, Huwebes at Sabado. Sulatan at i-LIKE siya sa Facebook: http://www.facebook.com/drmargieholmes o sundan sa Twitter: http://twitter.com/drmargieholmes