Una sa Balita

May nanalo na, move on na

0 346

Natapos na ang May 13 midterm elections at marami ng naiproklamang kandidato na nanalo sa iba’t ibang posisyon partikular sa lokal na pamahalaan.

Dapat ay tigilan na ang pambubuska lalo na ng mga tagasuporta ng mismong nanalong kandidato.

Ang tila nakakadismaya pa ay may mga tao na sadyang wala ng pakialam sa kaniyang kapwa tao na maaring makasakit lalo na ang mga talunan sa eleksyon.

Tapos na ang eleksyon at batay sa mga naunang partial at u­nang official tally sa senatorial race ay mayor­ya ng mga inin­dorso ni Pangulong Duterte ay pasok sa magic 12.

Ayon nga sa ilang political analyst ay normal lang naman sa mga administrasyon na malakas ang kandidato maliban lang sa panunungkulan ni noo’y Pangulong Gloria Macapagal Arroyo.

Sa ilalim ng Duterte administration ay lumilitaw na 10 senatorial candidates ang pumasok mula sa inin­dorso ng kandidato ng Pangulo at dalawa ang hindi, sina Senator Grace Poe at Lito Lapid o 10-2.

Sa panahon ni noo’y Pangulong Noynoy Aquino ay 9 na kandidatong senador mula sa Team PNoy ang pasok sa magic 12 at tatlo sa koalisyon na partido na UNA na sina Nancy Binay, JV Ejercito at Gregorio Honasan o 9-3.

Pero sa panahon niArroyo ay 2-2-8 ang resulta ng senatorial elections noong 2007 midterm elections kung saan ay 2 lang na kandidato ng administrasyon ang nakalusot at ito ay sina Senator Jo­ker­ Arroyo at Edgardo Angara samantalang independent si Kiko Pangilinan at Gregorio Honasan samantalang ang 8 senador ay mula sa tinawag na Genuine Opposition.

Tama na ang buskahan at sa halip ay bantayan nating lahat ng mga Pilipino ang mga nanalong Senador ay magiging “tuta” ba ni Pangulong Duterte o mananatiling independent at ang katapatan ay sa interes ng taumbayan.

Sa local level ay back to normal na rin ang lahat at abangan kung ang mga nanalong baguhan na nagpabagsak sa sinasabing dynasty ay may patutunayan na katapat dapat sila sa puwesto na ipinagkatiwala ng taumbayan.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy