Una sa Balita

May nakalimutan si kuya Vince!

0 424

Kung may PPP o Public-Private Partnership pro­jects noon ang administrasyon si dating Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III, may BBB naman o Build, Build Build ­projects ang ­administrasyon ni ­President Mayor ­Rodrigo “Digong” Duterte. Pero puna ni Senador ­Franklin ­Drilon, bigo ang BBB.

Pero siyempre, hindi ito inayunan ng mga nasa gobyerno at posi­bleng nabigyan lang daw ng maling datos ang senador. Katuna­yan, 12 proyekto raw ang inaasahang matatapos na sa susunod na taon, 17 iba pa sa 2021, at 26 iba pa sa 2022. Ang tanong ng ating kurimaw, ilan kaya sa mga proyektong ito ang proyektong kinamada o sinimulan sa ilalim ng PPP ng dating administrasyong Aquino?

Isa sa mga nagtanggol sa BBB eh itong si Bases Conversion and Development Authority (BCDA) president Vince Dizon, na Presidential Adviser for Flagship Programs and Projects din. Nagbigay siya ng mga numero ng mga proyekto pero hindi yata nabanggit kung ano-ano at saan-saan.

Katunayan, isa sa mga banderang ­proyekto ng BCDA na “New Clark City” na itinatayo sa Capas, ­Tarlac, kung saan gaganapin ang ibang laro sa darating na SEAGames eh proyektong ­nasimulan ng nakaraang admi­nistrasyong Aquino. Sa ginanap na groundbreaking ceremony noong Abril 2016 na pinamunuan ni ­Aquino, “New Clark City” ang pangalan nito ay ­pinalitan na lang ng kasalukuyang liderato.

But wait there’s more. May iba pang malalaking proyekto na sinimulan ng ­nakaraang administrasyon at ipinagpatuloy ng kasalukuyang administrasyon ang natapos na, malapit nang matapos, at kasalukuyang ­ginagawa. Ang tanong na naman ng isa nating ­kurimaw, ilan kaya rito ang ­kasama kaya sa listahan ng BBB?

Sa ilalim ng administrasyon ni Aquino, nag­lalabas sila ng ­detalye tungkol sa mga PPP project. Nakasaad dito ang mga pangalan ng proyekto at lugar, ilan ang nagawa na at ilan ang proyektong ipapasa sa pribado at susunod na administrasyon dahil matatapos na ang termino ni PNOY. (https://ppp.gov.ph/in_the_news/aquino-to-end-term-with-7-completed-ppp-projects/)

Tulad ng BBB, inulan din ng puna noon ang PPP ni Aquino dahil naging mabagal ang implementasyon nito sa simula bunga ng problema sa bidding. Pero kinalaunan, nagtuloy-tuloy na at isa-isang umusad ang mga proyekto. Batay sa nakasaad sa Official Gazette

(https://www.officialgazette.gov.ph/lists/aquino-admin-tbc-projects/) ilan daw sa mga proyektong ito na natapos o matatapos sa kasalukuyang administrasyon ay ang NAIA Expressway, Phase II; NLEX Harbor Link; Tarlac-Pangasinan-La Union Expressway; C5 South Link Expressway; LRT Line 2 East Extension Project; NLEX Harbor Link Segment 8.2; Metro Rail Transit (MRT) Line 7; Light Rail Transit (LRT) Line 1 South Extension Project; Plaridel Bypass Road Project, ilang mga paliparan sa mga lalawigan, mga kalsada, tulay, at iba pa.

Maganda ang hangarin ni Duterte at itinuloy ang mga nasimulan o nakalinyang proyekto ng nakaraang administrasyon. Pero maganda rin kung maglalabas ngayon ng mga listahan ng mga BBB project, at kung ano na ang estado nga mga ito. Habang ang mga opisyal na ­sablay sa trabaho para mabigyang katuparan ang magandang hangarin ni President Mayor Digong para sa BBB tulad ng namamahala sa mga infra project, dapat kalusin. Laging tandaan: “Bata mo ‘ko at Ako ang Spy n’yo.”

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy