Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

May nagbabadya ng atake

0 25

Dear Editor,

Bigla akong kinabahan sa balitang may warning of terrorist attack hindi lang sa bansa natin kundi sa 6 na bansa ng Southeast Asia. Napapaisip tuloy ako kung sino kaya ang mga nagbabadya na magdala ng gulo dito sa atin.

Buti nalang at nabigyan agad tayo ng abiso ng Japan upang makapaghanda tayo sa mga posibleng panganib gaya ng suicide bombing na nangyari sa Jolo, Sulu noong nakaraang taon.

Gumaan din ang loob ko dahil meron tayong mga kasundaluhan at kapulisan na handa tayong protektahan mula sa banta ng mga terorista.

Kaya sa mga kapwa ko Pilipino, iwasan muna nating magpunta sa mga matataong lugar upang makaiwas tayo sa trahedya.

Yzah Mara

Caloocan

Leave A Reply

Your email address will not be published.