Una sa Balita

May nabago ba?

0 284

Dear Abante,
Nabasa ko sa social media ang mga post ni Alicia Lucena, una noong July 31 na may titulong ‘Isang bukas na Liham’ at kahapon, ‘yung senior high school na nag-aaral sa FEU, pero sa halip na sa pamilya umuwi ay nasa org na kanyang sinalihan, ang Anakbayan.

Sinong magulang po ang matutuwa na ang inakala mong magandang kinabukasan ng anak mo, kaya itinaguyod na paaralin ay ninakaw na sa iyo, anong klaseng mga magulang ang mga miyembro ng Anakbayan na kanilang hinahayaang mawalay ang anak sa mga magulang, ‘di ba ang lagi naman nilang sigaw sa kalye ay para sa bayan, para sa mga inaapi kaya sila lumalaban, pero paano na ang inapi nilang mga magulang, paano na?

Asan ngayon ang sinasabi nila na para sila sa mga mahihirap? Mga magulang ng kanilang mga kamiyembro ang una nilang sinasaktan, tapos ano? Sunod-sunod na, mula sa pagsigaw sa kalye, rally dito, rally doon, sigaw ng kung ano-ano para sa pagbabago, may nabago po ba? Sa tagal na panahon meron na po bang gumanda ang buhay mula sa pagra-rally? Meron na po bang umasenso?

Related Posts

Kung pagbabago ang gusto, bakit po ‘di simulan sa sarili at dalhin ang pamilya sa maginhawang buhay para mabago ang pamumuhay na mula sa pinakamamabang klase sa lipunan ay maiangat man lang.

Jes Alipoon ng Rizal

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy