Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

‘May mommy po siya’: Angel ayaw isingit sarili sa anak ni Neil

0 157

Ang daming tumutok sa podcast ni Karen Davila sa Spotify, dahil pakiramdam nila ay may bago na naming pasabog ang mag-asawang Angel Locsin at Neil Arce.

Di ba nga, pasabog na ang biglang pag-aanunsiyo sa YouTube channel nila na kasal na sila. Kasunod ang pagpapasilip naman ng bahay nila.

At heto nga, baka raw may anunsiyo na buntis na si Angel, na inaasam talaga ng mga fan nila.

Sa podcast na `yon ni Karen, ang tungkol naman sa anak ni Neil ang naging paksa nila. Handa na ba si Angel bilang stepmother ng anak ni Neil?

“Actually hindi ko rin po alam kung anong tawag sa akin kasi may mommy naman po siya. ‘Yung mommy niya sobrang nakatutok sa kanya, mabait, sobrang kalog na tao rin talaga and alam mong priority din talaga siya,” sabi ni Angel.

“Hindi ko naman sinisingit ‘yung sarili ko sa picture. I am happy na tawagin akong Tita Angel. Wala akong problema doon. Kung tawagin niya ako ng kahit ano, walang problema sa akin.

“Masaya lang ako na napasok ako sa ganitong…kumbaga, ‘Modern Family.’ Walang issue ganun,” sambit niya.

Pero siyempre, ang inaasam talaga ng mga fan ay magkaroon sila ng mga anak ni Neil. At oo naman, gusto na rin nila `yon, pero ayaw nilang magpa-pressure.

“No pressure naman.”

So, ilang anak kaya ang gusto nila?

“Ako po ‘yung totoo, one lang pero maximum two. Only child ako eh so medyo gusto ko ‘yung spoiled. At least medyo nakatutok din kami, hindi masyadong mahirap,” sagot ni Angel.

Anyway, pinalabas sa YouTube channel ni Karen ang interview na `yon kina Angel at Neil nitong Sabado, August 21, 7pm. (Dondon Sermino)

Leave A Reply

Your email address will not be published.