Una sa Balita

May mga kulang pa sa Maharlika Cup

By
0 1,713

Patindi nang pa­tindi ang mga laban sa Maharlika Cup ng Mahar­lika Pilipinas Basketball League ni Sen. Emamnuel ‘Manny’ Pacquiao.

Laging dikit ang mga labanan, puno ang mga venue, suportado ng ng Local Government Unit, bigay todo ang suporta ng mga tao, maganda ang coverage ng ABS-CBN, mara­ming advertisement at pinag-uusapan na ng mga masugid na ­tagasubaybay ng basketbol.

Ano na lang ang kulang?

Sa mga mahihilig sa basketball, ang sigaw nila ay ang officiating.

Paging technical committee Bai Cristobal, ito ang reklamo ng fans natin. Ayusin ang mga replay at maging consistent sa tawag para sa ikauunlad ng liga.

Alam naman natin na milyon-milyon ang gastos ng teams para sumali at makilahok sa isang liga. Kelangan ng matinding experience at seminar ng isang taon para maging confident at bihasa sa rules ang mga referee.

Ito ay napakagandang simulain na ginawa ni Pacman. Sana ma-sustain, ma-maintain ang quality of play at laging maging exci­ting ang mga laban.
Mabuhay ka Sen. Pacquiao!

***
Puspusan na rin ang preparation ni coach Mike Oliver sa kanyang GILAS 17U na lalahok sa China nga­yong Abril. Kahit kulang sila sa training due to other commitments sa ibang team ng mga bata nagagawan pa rin ng paraan ni coach Mike na maging maayos ang training.

Good luck sa GILAS.

At sa darating na Friday, March 16, may laro ang PBA Legends sa Naguilian, Isabela sa pag-organisa ni pareng Nelson ‘The Bull’ Asaytono. Kaya abangan natin dahil napapabalita na lalaro rin si Triggerman Allan Caidic.